CLASS SIZE NAIS LIMITAHAN NG DEPED
PLANO ng Department of Education na bawasan o limitahan ang bilang ng mga mag-aaral sa classroom upang matiyak na nasusunod ang physical distancing sa muling pagbubukas ng face-to-face classes ngayong darating na school year.
“We will also trying to reduce the class size as much as possible kasi mahirap po matuto ang ating mga learners. At mahirap din po matutukan ng ating mga guro yung ating mga learners kapag marami sila sa isang classroom,” wika ni DepEd spokesperson Michael Poa sa isang press conference.
Subalit sinabi ng opisyal na walang ideal na sukat para sa mga silid-aralan na gagamitin sa in-person classes.
“Sa totoo lang po wala tayong prescribed minimum sa in-person classes because we’re giving the flexibility,” ani Poa.
Anya, may mga eskwelahan sa Metro Manila at Cavite na nasa 16 mag-aaral ang laman ng isang classroom.
“Ang ginagawa po natin sa mga ganyang schools is parang shifting schedule, or ‘pag hindi talaga kaya maybe sila po ‘yung magfa-fall under the exemption of blended learning,” paliwanag ng opisyal.