COTABATO 3RD DISTRICT REP. SANTOS UMAASANG BIBIGYANG PRAYORIDAD NI PBBM ANG EKONOMIYA, AGRI, KALUSUGAN, EDUKASYON SA KANYANG UNANG SONA
UMAASA si Cotabato 3rd District Rep. Ma. Alana Samantha Taliño Santos na bibigyang prayoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang ekonomiya, agrikultura, kalusugan, at edukasyon sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) ngayong araw sa Batasan Pambansa Complex.
“Sa unang State of the Nation Address ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., inaasahan kong magiging bahagi ang mga sektor na nangangailangan ng atensiyon sa kanyang prayoridad. Kabilang na rito ang hanay ng agrikultura, ekonomiya, kalusugan, at edukasyon,” sabi ni Rep. Santos sa isang statement.
“Bilang isang batang lider, alam ko na kaakibat ng aking paninilbihan bilang kinatawan ng ikatlong distrito ng Cotabato ay ang pamumuno na may Serbisyo at Malasakit. Pamumuno na marunong makinig sa kanyang nasasakupan; pamumuno na sinisigurong lahat ay kasama sa paglalakbaytungo sa maunlad at mapayapang Cotabato. Sisikapin kong tugunan ang mga hamon na hinaharap ng ating distrito, lalo na sa aspetong ito.
Higit sa lahat, ipinangangako ko na kaSAMa ninyk ako sa pagharap sa mga hamong ito. Serbisyong malinis, tapat, at may malasakit,” ayon pa kay Rep. Santos.