HIGHLY SKILLED WORKERS LILIKHAIN NG TESDA KAPAG NAGING DEPARTAMENTO
IKINAGALAK ng Technical Education and Skills Development Authority ang pagsusulong ni Senadora Loren Legarda na maging departamento ang nasabing state skills and learning institution.
Ayon Kay TESDA Deputy Director General Aniceto John Bertiz III, kung magiging full blown department sila ay maraming highly skilled workers silang mapoprodyus.
Magiging sagot, aniya, sila sa problema sa unemployment.
Dagdag pa niya, madaragdagan din ang kanilang maiaalok na pagtuturo sa kaalaman sa hanapbuhay lalo na sa farming at agriculture.
Halimbawa, aniya, ang pagpapadala nila kada taon ng 500 magsasaka sa Israel para mag-aral na maging highly skilled farmer.
Habang may partnership din sila sa Department of Information and Communications Technology para naman sa nais mag-aral ng cyber security courses at maging sa tourism.
Ayon pa kay Bertiz, hindi nagtatapos sa de-kahon na trainings ang kanilang iaalok dahil patuloy na lalago ang courses upang magamit ng kanilang estudyante para makakuha ng trabaho o maging negosyante.