Region

PRINTING STATUS NG MODULES SA TAGUM CITY NASA 90% NA

/ 17 September 2020

NASA 90.6% na ang printing status ng learning modules sa Tagum City, ayon sa Department of Education Davao Region.

Iniulat din ng DepEd Davao Region na nasa 100% na ang  kahandaan ng mga guro sa health protocols sa lalawigan.

Umabot naman sa 90.2% ang enrollees sa Tagum City para sa school year 2020-2021. May kabuuan itong. 72, 416 estudyante, kung saan 9,984 ang sa private schools at 62, 432 naman sa public  schools.

Sa datos pa ng DepEd Davao Region, nasa 89% na ang kahandaan para sa TV and radio-based learning, at 86.62% ang sa training at orientation ng mga magulang.

Ayon sa report, hindi nagkaroon ng problema ang mga guro sa pag-a-adjust sa mga pagbabagong dulot ng Covid19.

Nakasasabay ang mga ito sa online learning at nagsasagawa rin ng webinars at  trainings para sa kanila.

Gayunman, hindi pa rin maipagkakaila ang hamon na dulot ng mahinang internet connection sa ibang bahagi ng lalawigan.

Patuloy naman ang pagkilos ng lalawigan upang maisaayos ito bago ang pagbubukas ng klase sa Oktubre 5.