F2F CLASSES TUTUTUKAN NG POPCOM LABAN SA TEENAGE PREGNANCY
SA NAKATAKDANG full implementation ng face-to-face classes, nangangamba ang Commission on Population na tumaas ang bilang ng teenage pregnancy.
Ayon kay PopCom Deputy Director Lolito Tacardon, dahil magkikita-kita na ang mga estudyante ay inaasahan ang social interaction na magreresulta ng intimacy kaya naman naghanda, aniya, sila ng programa para rito upang pigilan ang maagang aktibidad sa sekswal.
Kasama sa programa ang pagbibigay ng payo sa mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak, ganoon din ang mga guro upang makaiwas sa maagang sexual behavior.
“May programa rin ang PopCom sa pagpigil sa teenage pregnacy and we are anticipating na baka lumaki po ito sa face-to-face classes kasi nagre-resume na rin ang mga social interaction ng ating mga kabataan, we anticipate mga sexual behaviors at mag-result once more sa
teenage pregnancy,” ayon kay Tacardon.
Aniya, may basehan kung bakit nila isinama ang programa laban sa teenage pregnancy at batay sa kanilang datos ay nakapag-aambag ito ng 3 percent sa edad na 10 hanggang 19 na kababaihan habang ang 20 pataas ay nagde-decline na ang fertility kaya mas mataas ang contributory factor ng mga kabataan.
Kaya naman para mapigilan ang teenage pregnancy, na malaking ambag sa paglobo ng populasyon ay kanilang inilatag ang nasabing programa na pagtutok sa face-to-face classes subalit kailangang may pahintulot din ng mga magulang.