‘SHAME CAMPAIGN’ VS PASAWAY NA SUCs IKAKASA NG CHED
NAGBANTA si Commission on Higher Education Chairman Prospero de Vera sa posibleng pagsasagawa ng 'shame campaign' laban sa state universities and colleges at local universities at colleges na hindi tutugon sa mga requirement sa ilalim ng free tertiary education act.
NAGBANTA si Commission on Higher Education Chairman Prospero de Vera sa posibleng pagsasagawa ng ‘shame campaign’ laban sa state universities and colleges at local universities at colleges na hindi tutugon sa mga requirement sa ilalim ng free tertiary education act.
Ang pahayag ni De Vera ay bahagi ng kanyang paliwanag sa impormasyon ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro na maraming SUCs ang nagrereklamo dahil hindi natatanggap ang reimbursement ng tuition ng mga estudyanteng benepisyaryo ng Republic Act 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act.
Sinabi ni De Vera na kaya may mga SUC at LUC na hindi agad nabibigyan ng reimbursement ay dahil sa kakulangan ng requirements.
“Yes we will do this Mr. Chair, mag-shame campaign. Para malinaw kung nasaan ang accountability. Kung galing naman ho sa Komisyon ay aaminin namin agad na nagkulang kami,” sagot ni De Vera nang hilingin ng House Committee on Appropriations na ilabas ang talaan ng mga SUC at LUC na hindi nakatutugon.
Nauna rito ay sinabi ni Castro na may mga unibersidad ang napipilitang mag-layoff ng mga empleyado dahil sa matagal na reimbursement na ang iba ay delayed ng anim hanggang walong buwan.
“‘Yun hong reklamo ng iba that is only one side of the story, to be perfectly frank. The other side is, there is a lot of non-compliance. The papers will not move if you don’t comply with requirements,” sagot ni De Vera.
Iniulat ni De Vera na sa kasalukuyan ay 1.33 milyong college students sa SUCs ang sakop ng free higher education law.