SAFETY INTERNET EDUCATION IPINASASAMA SA SCHOOL CURRICULUM
NAIS ni Tarlac 2nd District Rep. Victor Yap na maisama sa curriculum ng elementary at high school ang internet safety.
Sa paghahain ng House BIll 3303 o ang proposed Internet Safety Education Act, sinabi ni Yap na dahil digital age na ang umiiral, mas madaling maimpluwensiyahan ngayon ang kabataan sa pamamagitan ng internet.
“When the internet offers tremendous knowledge, benefits and opportunities, we cannot conceal the fact that being exposed to it at an early age may be detrimental to the welfare of the children, if not properly supervised,” pahayag ni Yap sa kanyang explanatory note.
Binigyang-diin ni Yap na maging ang United Nations Children’s Fund ay aminado na napakaliit ng mga hakbangin para protektahan ang kabataan sa panganib na maaaring idulot ng digital world.
Batay sa panukala, magiging mandato ng Department of Education ang pagtukoy, pagbuo at pagpapatupad ng Internet Safety Education programs, kabilang na ang educational technology, multimedia at interactive applications, online resources at lesson plans.
Magbibigay rin ang DepEd ng professional training sa lahat ang elementary at secondary teachers, administratos at iba pang staff kaugnay sa internet safety at new media literacy.
Isinusuong din sa panukala ang pagbalangkas ng mga online risk prevention program para sa kabataan at pagtuturo sa mga magulang hinggil sa paggabay sa kanilang mga anak para sa responsableng paggamit ng internet.