JOINT EXECUTIVE LEGISLATIVE EDUCATION COMMITTEE PINABUBUO
ILOILO CITY — Nais ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na bumuo ang gobyerno ng Joint Executive Legislative Education Committee upang bigyang solusyon ang mga problemang kinakaharap ng bansa kaugnay sa edukasyon.
Sinabi ni Drilon na isa ang edukasyon sa tatlong aspetong kailangang tutukan ng susunod na administrasyon upang maisaayos ang pamamahala sa Pilipinas.
“The effect of pandemic is long term. There is also a study which says that our 10 year old kids cannot read and write. I would propose the joint executive legislative education commission. I would propose to expand Education Commission to include the executive,” pahayag ni Drilon sa media briefing.
Aminado si Drilon na kailangan ng pagtutulungan ng lahat para maresolba ang problema sa pag-aaral.
“Because the solution needs the action of executive and legislative. The problem cannot be solved overnight,” dagdag ni Drilon.
Bukod sa edukasyon, iginiit ni Drilon na kailangan ding tutukan ng susunod na administrasyon ang problema sa kalusugan, ang rule of law at ang tax collection system ng bansa.