PAGBABAGO NG PROTOCOL NG SMARTMATIC SA TRANSMISSION NG MGA BOTO KINUWESTIYON
IBINUNYAG ni Senate President Vicente Tito Sotto III ang panibagong kuwestiyonableng hakbang na isinagawa ng Smartmatic para sa paghahanda sa eleksiyon.
IBINUNYAG ni Senate President Vicente Tito Sotto III ang panibagong kuwestiyonableng hakbang na isinagawa ng Smartmatic para sa paghahanda sa eleksiyon.
Kinuwestiyon ni Sotto ang pagbabago ng Smartmatic sa protocol para sa transmission ng mga boto mula VCMs patungo sa municipal, provincial o national level.
Sinabi ni Sotto na batay sa pahayag ni Atty. Ivan Uy, ang IT expert na kinatawan ng Senate panel sa Joint Congressional Oversight Committee, na mula 3G ay ginawa nang 4G ng Smartmatic ang transmission.
Gayunman, ang problema, aniya, sa transmittal ay hindi na mate-trace kung saang VCM nagmula ang mga datos na para sa kanya ay lubang mapanganib at maaaring magamit sa pandaraya.
Kaugnay nito, hihilingin ni Sotto kay Senate Committee on Electoral Reforms Chairperson Imee Marcos na muling magpatawag ng pagdinig at pagpaliwanagin ang Commission on Elections sa isyu.
Binigyang-diin naman ni Senador Panfilo Lacson na dapat na imbestigahan nang mas malalim ang isyu dahil maaari itong maging game changer.
Iginiit ni Lacson na dapat malaman kung sinadya ba ito o may motibo sa biglaang pag-iiba ng protocol.
Nilinaw ng dalawang senador na hindi sila kontra sa paggamit ng advance technology sa halalan subalit dapat anila na kasabay ng upgrading ay transparency sa lahat ng hakbangin.