MEDICAL INSURANCE SA COLLEGE STUDENTS PARA SA F2F CLASSES DAPAT PAG-ARALAN — SENADOR
IGINIIT ni Senador Panfio Lacson na dapat ikonsiderang muli ng Commission on Higher Education ang panuntunan hinggil sa paghingi ng medical insurance at iba pang mga dokumento bago pahintulutang makabalik sa face-to-face classes ang mga college student.
Sinabi ni Lacson na dapat ay sapat na ang vaccination card bilang requirement sa pagbabalik-eskwela ng higher education students.
Ipinaliwanag ng senador na hindi lahat ay may access sa ganitong mga serbisyo at dagdag gastos sa mga magulang ang medical insurance.
“Well, these are requirements that need to be reviewed thoroughly kasi hindi lahat may access. Obligasyon ng gobyerno to provide health services tapos ipapasa mo sa ordinary citizen,” pahayag ni Lacson.
Idinagdag pa ng mambabatas na obligasyon ng pamahalaan na magbigay ng health services kaya hindi ito dapat na ipasa sa mga ordinaryong mamamayan.
Binigyang-diin pa ng senador na ang panibagong gastos na ito sa mga magulang na iginagapang na ang kanilang mga anak para lang makapag-aral.