PACQUIAO IEENDORSO SI SOTTO KUNG MAY ‘GO SIGNAL’ NA NI ATIENZA
TINIYAK ni presidential bet at Senador Emmanual Pacquiao na handa siyang kumasa sa posibilidad ng pakikipag-tandem kay Senate President Vicente Sotto III kung magdesisyon ang kanyang runningmate na si Deputy Speaker Lito Atienza na umatras na sa eleksiyon.

“Narinig naman natin ang opinyon ng ating vice-president, willing din naman siya kung sakali na mag-withdraw ngunit hanggang walamg galawan, eh tuloy ang laban namin,” pahayag ni Pacquiao.
“Kung magdesisuon siya ang nasa isip namin na puwede lang eh si Senator Vicente Sotto,” dagdag ng senador.
Kinumpirma rin ni Pacquiao ang naging pahayag ni Atienza na mayroon ding lumapit sa kanya mula sa kampo ni Vice-President Leni Robredo at kinukumbinsi siyang mag-withdraw.
Tinanggihan nito ang alok kasabay ng pagsasabing ang desisyon nitong umabot sa halalan ay dahil sa kanyang commitment sa taumbayan para sa isang gobyerno na may takot sa Diyos at walang katiwalian.
“Ang desisyon kasi namin ni vice Lito ay tuloy ang laban at para ito sa bayan. Hindi ito para sa sarili namin. Kasi kung ang iniisip namin ay para sa sarili namin ay makikipag-compromise kami,” dagdag ni Pacquiao.