PARTIDO REPORMA LUMIPAT NG SUPORTA DAHIL SA P800-M CAMPAIGN FUND — LACSON
HINDI survey kundi P800 milyong campaign fund ang tunay na dahilan ng pagkalas ng Partido Reporma kay presidential bet Panfilo Lacson.
HINDI survey kundi P800 milyong campaign fund ang tunay na dahilan ng pagkalas ng Partido Reporma kay presidential bet Panfilo Lacson.
Ayon kay Lacson, hindi siya naniniwala sa alibi ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez na ang resulta ng pre-election surveys ang kanyang pangunahing dahilan ng paglipat ng suporta.
Ipinaliwanag ni Lacson na tulad niya, kasama sina Mayor Isko Moreno, Senador Manny Pacquiao at ang pinili ni Alvarez na bagong presidential bet ay napag-iiwanan din sa mga survey.
“If pre-election survey was his primary reason for switching his support, I don’t believe it because like me, Mayor Isko and Sen Pacquiao, his newly chosen candidate is also lagging far behind the survey leader,” pahayag ni Lacson.
Sinabi ng senador na kailangang maging malinaw ang lahat para na rin sa kapakanan ng taumbayan.
Isinalaysay ni Lacson na una nang humingi sa kanya ang chief of staff ni Alvarez ng dagdag na pondo na P800 million para sa kanilang kampanya subalit direkta nitong inamin na hindi niya kayang ibigay ang malaking halaga.
“Time to call a spade a spade. It was actually more about the issue of campaign expenses for their local candidates. His chief of staff was asking for P800 million in additional funding which I honestly told him I cannot produce,” dagdag ni Lacson.
Muling binanggit ng senador na wala siyang sama ng loob sa Partido Reporma kasabay ng babala kay Alvarez na kung patuloy na maglalabas ng kung ano-anong paliwanag ay mapipilitan siyang sumagot upang itama ang kanyang mga pahayag.