Region

MGA ISKUL NA SINALANTA NI ‘ODETTE’ SA SURIGAO BINISITA NG DEPED CENTRAL OFFICE

/ 13 March 2022

BINISITA ng Department of Education Central Office ang ilan sa mga eskuwelahang sinalanta ng bagyong Odette sa Surigao City sa Caraga region.

Kabilang sa mga ito ang Bernardo Vasquez Memorial Central Elementary School, Canlanipa CES, Clementino V. Diez Memorial CES, Ipil Senior High School, Mabua Elementary School, Margarita Memorial CES, Mariano Espina Memorial CES, Mat-i CES, Navarro Memorial CES, Surigao City CES, Surigao West CES, at Surigao City Pilot School na may Gabaldon building na napinsala.

Kalahati sa mga klasrum ng mga iskul sa Surigao City ay totally damaged habang ang iba ay nangangailangan ng repair o replacement upang muling magamit nang ligtas.

Sa kabila nito, karamihan sa mga paaralan ay kasalukuyan pa ring naghahanda para sa posibilidad ng pagsisimula ng in-person classes.

Sa lahat ng paaralang binisita ng DepEd CO sa SDO Surigao City, tanging ang Ipil NHS ang nagsasagawa ng salitang face-to-face at modular classes kada linggo sa Grade 7 hanggang Grade 10.

Bukod sa pagbisita, pinangunahan din ni External Partnerships Service Director Edel Carag ang pamamahagi ng learning materials sa mga eskuwelahan.

Ang nasabing learning materials ay donasyon mula sa World Vision at LBC Foundation para sa programang Brigada Eskwela ng Kagawaran.

Pinangunahan nina DRRMS-Rehabilitation and Recovery Focal Person Orlando Barachina, Education Support Services Division Chief Bernard Linog at SDO Surigao City Coordinator Johnmark Gorgonio ang pagbisita sa nasabing mga paaralan.