KabataanSaHalalan

SARANGGOLA NG PAG-ASA ‘PALILIPARIN’ NG KKK PARA KAY VP LENI

ISINAPUBLIKO na ng Katipunan sa Kultura at Kasaysayan, kasama ng Robredo People’s Council at Chinoys for Leni-Kiko 2022, ang pinakamalaking pambansang proyektong pinamagatang ‘Saranggola ng Pag-asa: 10 Araw ng Panata para sa Kaganapan ng Gobyernong Tapat’ bilang suporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo sa darating na halalan.

/ 9 March 2022

Isasagawa ang mga aktibidad ng Saranggola ng Pag-asa mula Abril 17 hanggang Abril 26 na kinapapalooban ng sabay-sabay na pagpapalipad ng saranggola sa buong Filipinas sa mismong kaarawan ni Robredo, Abril 23.

Ang Saranggola ng Pag-asa ay ang pambansang panawagan ng KKK sa pagtitiyak ng gobyernong tapat na nagtataguyod ng kapakanan ng lahat. Panawagan din ito para magkaroon ng linaw ng isip at linis ng loob ang mga hindi na nakapagpapasiya – pagsusuri ng sarili at pagtitiyak na matupad ang ‘gobyernong tapat, angat buhat ang lahat’.

Higit sa lahat, ani KKK, ito ay pagsusulong ng “holistikong paraan ng pamamahala sa Filipinas na nakapaloob sa plataporma nina Leni G. Robredo at Kiko Pangilinan.”

Narito ang listahan ng mga aktibidad:

“Kumakapit ang Proyektong ito sa pag-asa at pananalig, at inaangkin ang pagtatagumpay ng marangal, matapat, mahusay na pamahalaan, mga katangiang isinasabuhay ni Bise Presidente Leni Robredo, na buong tiwala tayo na siyang magiging Pangulo ng Filipinas sa 2022 hanggang 2028,” sambit ng grupo.

I-download ang deck sa tinyurl.com/Saranggola-2022 para sa kompletong detalye. Para naman sa mga tanong at paglilinaw, mag-email lamang sa [email protected].