KabataanSaHalalan

‘HIMAGSIKANG ROSAS’ INILUNSAD NG NATIONAL ARTISTS PARA KAY VP LENI

NAGKAISA ang mga pambansang alagad ng sining, artist, edukador, manggagawang pangkultura, manunulat, historyador, at mga iskolar sa paglulunsad ng “HimagsikangRosas” bilang suporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo.

/ 2 March 2022

NAGKAISA ang mga pambansang alagad ng sining, artist, edukador, manggagawang pangkultura, manunulat, historyador, at mga iskolar sa paglulunsad ng “HimagsikangRosas” bilang suporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo.

“Narito na ang ikatlong himagsikang Filipino–ang Himagsikang Rosas.

“Mula sa inspirasyon ng Himagsikang 1896 at sa diwa ng Filipinismo nina Rizal, Plaridel, Bonifacio, Jacinto, Mabini, Quezon, Recto, at marami pang bayani ng kalayaan at katarungang panlipunan, tinatawagan namin ang lahat ng mga kababayan upang manindigan para sa isang Bagong Republika ng Filipinas at para sa katuparan ng mga simulainng Himagsikang Rosas,” nakasaad sa pahayag ng KKK noong Marso 1.

Nanguna sa mga lumagda ng suporta sina National Artists Virgilio Almario, Bencab, Ryan Cayabyab, Alice Reyes, at Ramon Santos.

Makikita rin ang pangalan ng mga batikang indibidwal gaya nina Xiao Chua, Edu Manzano, Bayang Barrios, Cherry Pie Picache, Jerry Gracio, Agot Isidro, Nikki Valdez, Edgar Samar, at ang mga mananaliksik tulad nina Galileo Zafra, Eilene Narvaez, Romulo Baquiran, Jayson Petras, at iba pa.

Ang Himagsikang Rosas ay ganap at walang-humpay na pagbaka ng lahat at ng pamunuang-bayan laban sa korupsiyon, baluktot na mga halagahan, pagsasamantala sa maralita, monopolyo sa negosyo, dinastiya at oligarkiya sa politika, habang tumutulong sa pagsugpo sa kamangmangan, mahinang literasi, at bisyo sa hanay ng sambayanan.

KKK ang grupong naglunsad ng ‘Pusuan ang Sining at Kultura: State of the HeART by Artists for Leni’ noong Pebrero 14 sa Miriam College.

Personal itong dinaluhan ni VP Leni.

Samantala, kumakalap pa rin ng lagda ng suporta ang KKK at bukas ito sa sinuman o anumang pangkating may katulad ng damdamin at prinsipyo. Bisitahin lamang ang https://tinyurl.com/HimagsikangRosasNgayon-Lagda.

Puntahan din ang facebook.com/KatipunanNgayon para sakaragdagang impormasyon.