Nation

PUBLIC SCHOOL MODERNIZATION BUHUSAN NG PONDO GALING SA MGA SUGAL ATBP. – KONGRESISTA

/ 10 September 2020

NANINIWALA ang isang mambabatas na hindi sapat ang ‘K to 12’ program sa basic education upang makasabay ang Filipinas sa iba pang bansa sa paghubog ng technical knowledge and skills ng kabataan.

Sa kanyang House Bill 7484 o ang proposed School Modernization and Innovation Act, sinabi ni Quezon City 4th District Rep. Jesus ‘Bong’ Suntay na dapat tumbasan ng nationwide modernization program ang ginawang curriculum upgrade ng gobyerno.

“Technological facilities of elementary and secondary schools particularly public schools are lagging behind,” pahayag ni Suntay sa kanyang explanatory note.

Kasama sa ipinapanukalang modernization porgam ang pagdaragdag ng computer laboratories, science laboratories, libraries at promosyon ng integrated distance learning program.

“The upgrade and enhancement of these learning facilities will help strengthen our education system. This will make Filipinos more equipped and globally competitive,” idinagdag pa ni Suntay.

Sa ilalim ng panukala, magkakaroon ng School Modernization and Innovation Fund para sa  programa sa public elementary at secondary schools na magkakaroon ng inisyal na pondo na P15 bilyon.

Batay sa panukala, maglalaan ang Department of Budget and Management ng 10 porsiyento ng kabuuang annual budget ng Department of Education para sa school modernization and innovation program.

Para sa karagdagang pondo, maglalaan ng 10 porsiyento ng gross earnings ang Philippine Amusement Gaming Corporation; 10 porsiyento ng total gross collection sa travel tax; 10 porsiyento ng dagdag na singil sa vehicle registration; dalawang porsiyento mula sa dagdag na revenue collections; at 10 porsiyento sa sales ng lotto operations.