Nation

CASH INCENTIVES SA PASIG HONOR GRADUATES

/ 12 February 2022

TUMANGGAP ng cash incentives mula sa lokal na pamahalaan ng Pasig ang mga iskolar ng lungsod na nagtapos na may Latin honors.

Ayon kay Pasig Mayor Vico Sotto, ang mga nagsipagtapos na cum laude ay niregaluhan ng P20,000, habang ang magna cum laude ay P25,000.

Dagdag pa ng alklade na tatanggap naman ng tig-P10,000 ang  board exam takers.

“Education is the great equalizer and must always remain a priority,” ani Sotto.

Sinabi rin ni Sotto na binisita nila ni Congressman Roman Romulo ang ilang eskuwelahan sa lungsod para tingnan ang ginagawa nilang paghahanda para sa muling pagbubukas ng face-to-face classes.

“Dumaan din kami ni Cong Roman Romulo kanina sa Ugong Pasig National High School at Sta. Lucia High School para tingnan ang mga improvements at paghahanda sa face-to-face,” sabi ni Sotto.

“Natuwa po akong makita ang iilan sa mga scholar-teachers ng LGU para sa reading specialists program (1 per grade level per school ang target natin dito),” dagdag pa ng alkalde.