BELLO UMAPELA NG PANTAY NA MEDIA EXPOSURE SA LAHAT NG KANDIDATO
NANAWAGAN si vice presidential candidate Walden Bello para sa pantay na media exposure sa lahat ng kandidato sa May 2022 elections.
NANAWAGAN si vice presidential candidate Walden Bello para sa pantay na media exposure sa lahat ng kandidato sa May 2022 elections.
Ito’y matapos na hindi maimbitahan ang kanyang running mate at labor leader na si Ka Leody de Guzman sa ‘The Jessica Soho Presidential Interviews’ sa GMA Network.
Ayon kay Bello, hindi inimbitahan ng network si De Guzman dahil hindi nito kayang magbayad ng advertisements kagaya ng ibang kandidato na may mga koneksiyon sa mga mayayaman.
“I am so disappointed in Jessica’s allowing this injustice to happen; it is such a stain on her reputation for fairness. And did Leni, Ping, Manny, and Isko even raise the issue of Leody’s class exclusion at any time in the program, knowing that he would not be allowed to participate?” sabi ni Bello sa isang Facebook post.
“The first thing they should have done when they learned he was being excluded was to show solidarity with his right to be there and refuse to participate unless he was also included. What a tragedy for the media and for democracy!” dagdag pa niya.
Sinabi naman ng mga netizen na dapat ay ibinigay na lamang ang espasyo na nakalaan para kay Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. kay De Guzman dahil tumanggi naman itong sumipot sa interbyu.
Samantala, nag-Facebook live na lamang si De Guzman kasabay ng airing ng programa upang sagutin ang mga katanungan na ibinato sa mga kandidato.