KabataanSaHalalan

PDEA, DDB, DILG, TARGET PAMUNUAN NI SOTTO KAPAG NAGING VP

TARGET ni vice presidential aspirant at Senate President Vicente Sotto III na pamunuan ang Dangerous Drugs Board, Philippine Drug Enforcement Agency at ang Department of the Interior and Local Government sakaling manalo sa halalan sa Mayo.

/ 21 January 2022

“Sabi ko nga before, ako puwedeng wala e. Alam ko ang gagawin e. As long as you have the Office of the Vice President, the clout of the Office of the Vice President, you can help especially in my advocacy on illegal drugs,” pahayag ni Sotto.

“Pero ‘pag tinanong ako ano ang gusto ko ‘pag ako ay nanalo, ang sasabihin ko Dangerous Drug Board, PDEA, at tsaka DILG. I will have complete control of enforcement and rehabilitation programs,” dagdag pa niya.

Muling binigyang-diin ni Sotto na ilulunsad niya ang holistic approach sa pagresolba sa problema sa droga sa bansa.

Sinabi ni Sotto na hindi lamang law enforcement ang kanyang pagtutuunan ng pansin laban sa droga kundi maging ang prevention at rehabilitation.

Matatandaang una na ring iginiit ni Sotto kasama ang kanyang ka-tandem na si Senador Panfilo Lacson na walang Oplan Tokhang sa kanilang liderato.