CALOOCAN SOLID BBM SA 71%; LENI, ISKO TIG-10%; PING, 5%; PACMAN, 2%
APAT na buwan na lamang bago ang halalan atpatuloy pa rin ang pangunguna ni Partido Federal ng Pilipinas presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa lahat ng survey, lokal man o sa pambansa.
APAT na buwan na lamang bago ang halalan atpatuloy pa rin ang pangunguna ni Partido Federal ng Pilipinas presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa lahat ng survey, lokal man o sa pambansa.
At sa pinakabagong survey na isinagawa sa Caloocan City, sigurado na rin ang panalo ni Bongbong kung ngayon gaganapin ang eleksiyon matapos siyang makakuha ng 71% preference vote.
Sa naturang survey na isinagawa ng private polling firm na Actual and Comprehensive Evaluators, Inc. ay nanguna rin ang kanyang running mate na si Inday Sara Duterte-Carpio ng Lakas-CMD na may 49% vote mula sa 5,164 respondents.
Malayong nakabuntot kay Marcos sina Leni Robredo at IskoMoreno na parehong nakakuha lamang ng 10%, samantalang si Ping Lacson ay may 5% percent at si Manny Pacquiao naman ay may 2%.
Naitala naman ang 2% na ‘undecided’ sa survey na isinagawa nito lamang Enero 6-10.
Sumusunod kay Duterte-Carpio sa vice presidential race sina Tito Sotto na may 34%, Willie Ong na may 9%, at Kiko Pangilinan na may 4%.
Ang Caloocan na may 1.7 milyong populasyon ay kilalang balwarte ng mga Marcos.
Ang District 1 nito kung saan nandoon ang Bukid Area ay nakapagpatala ng 74% para kay Marcos at 71% naman ang nakuhang boto nito sa bagong tatag na District 3.
Dinomina rin ni Marcos ang tinaguriang ‘commercial hubs’ na District 2 ng lungsod nang makakuha ng 67% kumpara sa malayong 13% ni Robredo at 11% Moreno.
Samantala, nanguna rin si Duterte sa District 1 at 3 na may 53% at 52% na approval ratings, ayon sa pagkakasunod, at 44% naman ang nakuha niya sa District 2 kung saan ay pumangalawa si Sotto na may 38% at 11% si Ong.