KabataanSaHalalan

LACSON: MAY ELEKSIYON MAN O WALA DAPAT TUMULONG

TINAWAG ni Senador Panfilo Lacson na calamity politics ang naging panawagan ni Senador Emmanuel Pacquiao sa mga kapwa niya kandidato na magtulungan upang maayudahan ang mga biktima ng bagyong Odette.

/ 18 December 2021

TINAWAG ni Senador Panfilo Lacson na calamity politics ang naging panawagan ni Senador Emmanuel Pacquiao sa mga kapwa niya kandidato na magtulungan upang maayudahan ang mga biktima ng bagyong Odette.

Sinabi ni Lacson na kung idinaan sa pribadong komunikasyon ang panawagan ni Pacquiao ay maaring sinagot niya ito nang pribado at inialok ang anumang resources na mayroon sila para sa coordinated effort.

“Since it was done through media – it goes against my principled belief that ‘calamity politics’ is the lowest form of campaigning. In fact I consider it abominable,” pahayag ni Lacson.

Iginiiit ng senador na sa mga nakalipas na kalamidad, ang kanyang tanggapan, kasama ang kanyang mga kaibigan at tagasuporta, ay patuloy na tumutulong nang walang media coverage.

“We did it in Cagayan Valley, and Bicol region and some other areas hit by strong typhoons,” diin ni Lacson.

“Election or no election, we assist and help, period,” dagdag pa ng senador.