KabataanSaHalalan

VOTING CENTERS SA BPO COMPANIES HINILING NI ROBREDO

/ 16 December 2021

NAIS ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo na magkaroon ng voting centers sa BPO companies para sa mga empleyado nito para sa darating na eleksiyon.

Sinabi ni Robredo sa Commission on Elections na hindi dapat ma-disenfranchise ang mga empleyado ng BPO dahil maaaring hindi sila makaboto dahil sa oras ng kanilang trabaho.

“Make sure that our BPO employees are not disenfranchised because they might not be able to vote because of the nature of their work,” ayon kay Robredo.

“Work arrangements would be very difficult for them… We’re filing the petition, the petition is done already,” dagdag pa niya.

Dapat din aniyang bigyan ng pantay na pribilehiyo ang BPO workers pagdating sa pagboto.

“You know OFWs abroad are allowed to do absentee voting, uniformed personnel, other government officials who do election duty,” ayon kay Robredo.

“We do understand that not just BPO employees, but all Filipinos who do the same kind of work of BPO people will benefit with the amendment of the Executive Order which will include them in the categorization that they should also be entitled to absentee voting privileges.”