P80K CASH AID SA MGA GURONG TATAMAAN NG COVID19 SA F2F CLASSES ISINUSULONG
NAIS ni Marikina City Rep. Stella Quimbo na bigyan ng cash assistance ang mga guro na tatamaan ng Covid19 sa gitna ng pagdalo sa face-to-face classes.
Sa kanyang House Resolution 2410, ipinanukala ni Quimbo ang paglalaan ng P80,000 cash aid sa mga guro.
“Teachers are also frontliners. They deal with the unvaccinated, meaning the young children. The idea is to incentivize all teachers to volunteer and sign up for face-to-face classes,” pahayag ni Quimbo.
“Teachers are also asked to sign waivers in some schools, meaning if they fall ill, the DepEd will not take accountability,” dagdag ng kongresista.
Saklaw ng panukala ang 865,000 public school teachers at 300,000 private school teachers.
Sa ilalim ng panukala, nais ni Quimbo na ilaan ng Department of Education ang P18.5 bilyon sa savings nito para sa cash assistance.
“It was revealed that a lot of their funds have not been spent. If you sweep the savings of DepEd I’m almost sure you’ll find that amount,” paliwanag pa ni Quimbo.
“As long as they declare the savings, they have the power to realign their savings for this purpose. Especially this year, mababa talaga ang utilization rate ng government agencies — it’s particularly low for this year for all agencies, including DepEd,” dagdag ng mambabatas.