Nation

REGULAR NA ANTIGEN TEST SA MGA GURO ISINUSULONG

/ 7 December 2021

INIREKOMENDA ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang regular na antigen test sa mga guro na kalahok sa limited face-to-face classes.

Sinabi ni Castro na sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng kapanatagan ang mga guro, estudyante at mga magulang sa kaligtasan ng bawat isa kontra Covid19.

Kasabay nito, iginiit ng mambabatas sa Department of Education at Department of Health na magtalaga nng medical workers, doktor man o nurse, sa mga paaralan na kasama sa limitadong in-person classes.

Ipinaliwanag ni Castro na sa pamamagitan nito ay agad na matutugunan ang anumang pangangailangan sakaling magkaroon ng sintomas ng sakit sa mga lumalahok sa face-to-face classes.

Muli ring iginiit ng kongresista ang paglalaan ng pondo para sa hazard pay sa mga guro.

Kasama rin sa rekomendasyon ang pagkakaroon ng medical fund para sa mga guro na magkakasakit sa gitna ng pagtupad sa kanilang tungkulin.

Sa kabuuan, naniniwala si Castro na handa na ang mga paaralan sa National Capital Region sa face-to-face classes sa gitna ng pagpapatupad ng health protcols.