P1-M EDUCATIONAL ASSISTANCE SA MGA ANAK NG PULIS
MAGPAPALABAS ang Philippine National Police ng P1 milyon bilang educational assistance sa mga anak ng kanilang non-commissioned at non-uniformed personnel.
MAGPAPALABAS ang Philippine National Police ng P1 milyon bilang educational assistance sa mga anak ng kanilang non-commissioned at non-uniformed personnel.
Inanunsiyo ito ni PNP Chief, Gen. Dionardo B. Carlos kasabay ng ceremonial lighting sa Christmas Tree and Lanterns sa Camp Crame kamakailan.
Ayon sa PNP chief, layunin nito na makatulong sa pinansiyal na pangangailangan ng kanilang mga kasamahang non-commissioned officer at non-uniformed personnel para sa pag-aaral ng kanilang mga anak.
Batid ni Carlos ang gastusin sa online learning dahil kailangan ng gadgets at internet connection kaya sa munti nilang paraan ay nais matulungan ang mga anak ng PNP personnel sa kanilang pag-aaral.
“’Yung P1 milyon po ay educational assistance, so we give it to our non-commissioned officer saka ‘yung mga NUP, kasi nakikita natin online ‘yung mga bata, paano ba namin sila matulungan. Ito naman ay, probably, kung paano nila magagamit iyon to assist the children, ‘yung online studies nila at ano pang tulong ang aming maibibigay sa kanila at gusto kong iabot agad sa mga anak ng ating mga pulis na nag-aaral ngayon online, maaaring they need a gadget and other items that can help them in their online class,” paliwanag ni Carlos.
Tiniyak din ni Carlos na mamadaliin niya ang paglalabas sa nasabing pondo para makatulong agad sa mga anak na estudyante ng PNCO at NUP.