Nation

PASIG NAGSAGAWA NG DRY RUN NG FACE-TO-FACE CLASSES

/ 25 November 2021

NAGSAGAWA ng dry run ng face-to-face classes ang lokal na pamahalaan ng Pasig bilang paghahanda sakaling aprubahan ito ng Department of Education at Department of Health.

Pinapayagan lamang na makapagsagawa ng pilot run ang mga lugar na may mababa o walang kaso ng Covid19 at yaong mga eskuwelahan na makatutugon sa mga hinihinging requirements para masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro.

“Eto na sila! After almost two years! Makikita rito ang simulation/dry run ng pagpasok ng mga mag-aaral sa Pasig Elemenrary School,” sabi ni Mayor Vico Sotto sa kanyang Facebook post.

“Gaya ng sabi ng maraming eksperto — the key is good ventilation and air flow!” dagdag pa ng alkalde.

Nagpasalamat din si Sotto sa mga magulang na nagbigay ng kanilang consent.

Ang target date ng DepEd Pasig para sa pilot face-to-face classes ay December 6, ayon kay Sotto.

“Sa kasalukuyan, sumasailalim sa validation ang apat na paaralan para sa face-to-face (Pasig Elementary School, Nagpayong Elementary School, F. Legaspi Elementary School and Pasig Ugong National High School),” aniya.

Samantala, binati ng alkalde ang DepEd Pasig Schools Division Office at Buting Senior High School sa matagumpay na paglulunsad ng Alternative Learning System para Senior High School.

“We will do what we can to help scale up the program. Dapat bigyan ng pagkakataon ang bawat Pasigueño—bata man o matanda—na makapagtapos ng pag-aaral,” dagdag ni Sotto.