Nation

DEPED: PILOT RUN NG LIMITED F2F CLASSES BASE SA PAYO NG MGA EKSPERTO

/ 21 November 2021

BASE sa payo ng mga health at medical expert ang pilot implementation ng limited face-to-face classes na umarangkada na sa 100 pampublikong paaralan nitong Nobyembre 15, ayon sa Department of Education.

Sinabi ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan na ang desisyon sa pagbubukas ng in-person classes ay dumaan sa matinding pagsusuri para matiyak ang kahandaan ng mga eskuwelahan.

Nakatakda namang simulan ang physical classes sa mga pribadong eskuwelahan sa Nobyembre 22.

Samantala, inihayag ni Malaluan na malaki ang naging papel ng mga magulang sa pag-aaral ng mga bata sa distance learning.

“We can also attest that marami rin tayong learning gains in this process… Na-recover ulit ‘yung papel ng magulang sa pag-aaral ng mga bata, capacity of independence and self-learning ng mga bata,” sabi ni Malaluan.