Nation

PASIG LGU NAMAHAGI NG LAPTOPS SA MGA GURO

/ 30 October 2021

NAMAHAGI ng laptops ang lokal na pamahalaan ng Pasig sa mga public school teacher ng lungsod para magamit sa kanilang online teaching.

Personal na iniabot ni Mayor Vico Sotto ang 39 units ng laptop na may kasamang hard drive sa mga newly hired teacher ng lungsod.

Nauna na ring nagbigay ang lokal na pamahalaan ng 76 units ng laptop sa mga guro ng lungsod noong nakaraang Hulyo 2.

Nasa isang libong laptop ang binili ng lokal na pamahalaan ngayong taon para madagdagan ang bilang ng mga kasalukuyang learning devices.

“Sa mga teacher na unserviceable na ‘yung lumang laptop na naka-assign sa inyo, coordinate na lang po tayo sa SDO, ipapa-declare lang as unserviceable sa MIS,” sabi ni Sotto.

“Maraming bagong pagsubok ngayong school year lalo na kapag puwede nang bumalik sa face-to-face, pero alam kong kayang-kaya nila ito!” dagdag pa ng alkalde.