KabataanSaHalalan

PAGREPORMA SA POLITICAL SYSTEM IGINIIT NI KA LEODY

/ 29 October 2021

IGINIIT ni labor leader at presidential aspirant Leody De Guzman na kailangang repormahin ang political system sa bansa para matuldukan ang vote buying.

“Repormahin ang pampolitika at elektoral na sistema laban sa vote buying at patronage politics,” sabi ni De Guzman.

Ayon pa sa labor leader, gutom ang publiko kaya ipinagbibili ang kanilang boto.

“The masses are hungry and have no choice but to vote for billionaires or candidates from political dynasties.”

Dagdag pa niya, kailangang buwagin ang political dynasty at isulong ang direktang partisipasyon ng masa sa paggogobyerno.

“Wakasan ang pagsasamantala sa desperadong masa,” dagdag pa niya.

Kamakailan ay sinabi ni Vice President Leni Robredo na maaaring tanggapin ang perang iniaalok ng mga kandidato ngunit kailangan pa ring bumoto ayon sa konsensiya.