Nation

DEPED NAVOTAS TUMANGGAP NG 350 SMARTPHONES PARA SA ‘SUPPORT OUR STUDENTS’ PROGRAM

/ 1 September 2020

NAGPADALA ng 350 smartphones si Congressman John Rey Tiangco sa Schools Division Of-fice ng Navotas bilang suporta sa Support Our Students Program.

Ang SOS ay ang inisyatiba ng SDO Navotas na may layuning makapagbigay ng karagdagang tulong sa mga mag-aaral sa lungsod.

Nagsisilbing  ‘relief’ ang SOS para sa mga estudyanteng papasok sa Oktubre 5 subalit mayroon pang kakulangan pagdating sa materyales pampag-aaral at internet connectivity.

Ilang linggo bago ang pagbubukas ng klase, bukod sa donasyon ni Tiangco, ang SDO ay binabaha rin ng mga lapis, bolpen, libro, papel at krayola mula sa pangkat-pangkat na mga nagsipagtapos sa saanmang elementarya at sekundaryang paaralan sa Navotas.

Nananawagan pa rin sila ngayon sa sinumang may mabuti at mapagbigay na puso na magpadala ng tulong sa anumang porma – brand new o secondhand  smart phones, tablets, laptops, computers, pati prepaid internet o load cards para magamit ng mga bata sa darating na pasukan.

Batay sa sarbey na isinagawa,  mayorya ng mga kabataang Navoteno ay walang sariling gadg-et. Bagaman hindi ito ‘required’ dahil may opsiyon namang modular learning, kinikilala ng SDO at ni Tiangco na mas magiging episyente ang pangangalap ng impormasyon at ang mismong pagkatuto kung mayroong internet at sapat na rekurso.

Titipunin ng mga guro ang lahat ng natatanggap na tulong at saka ipamamahagi sa urban com-munities ng lungsod. Nagsisilbi itong karagdagang tulong sa Navotas-School-In-A-Box o Navo-Box – ang mga kahon-kahong ‘school kits’ para sa lahat ng mga Navotenong mag-aaral, pampubliko man o pribado.