NASIRANG PAGKAKAIBIGAN
Maraming pagkakaibigan ang sinusubok ng panahon
Mga panahon na kung saan hindi natin alam ang mga mangyayari
Maraming pagkakaibigan ang nasira
Nasira dahil sa mga maling akala
Nasira dahil sa mga mapanghusgang lipunan
Nasira dahil sa pakikinig sa iba
Nasira dahil sa hindi maayos na pakikipag-ugnayan
Marahil ilan lamang iyan sa mga dahilan kung bakit nasisira ang pagkakaibigan
Ngunit ano nga ba ang mali?
Bakit nga ba ito nangyayari?
Lahat tayo ay may iba’t ibang pag uugali
Kailangan lamang natin ay ‘yung mga taong handa tayong tanggapin
Tanggapin sa buhay nila nang walang pag-aalinlangan
Tanggapin ang mga ugali natin at sabihin ang mga pagkakamali
Ano na ba ang nangyari sa ating pagkakaibigan?
Pagkakaibigang binuo nang kaytagal na panahon
Pagkakaibigang iningatan kahit ito ay may lamat na
Pagkakaibigang naging matibay pa sana kung tayo ay nagsasabi ng ating mga hinanakit
At tumatanggap ng opinyon nang iba
Ngunit wala na.
Tuluyan nang nasira.
Nasira na ang ating pag kakaibigan
Nag kamali na ang bawat isa
Nagkabitawan na nang mga masasakit na salita patungkol sa bawat isa
Walang nagtanong
Walang umalam nang tunay na dahilan
Dahilan kung bakit unti-unting lumalayo ang loob ng bawat isa
Nagkapatawaran man ngunit kailanman hindi na maibabalik sa dati
Ang Nasirang Pagkakaibigan