SCHOOLS DIVISION OFFICE SA PALAWAN PINAHAHATI
NAIS ni Palawan 2nd District Rep. Cyrille Abueg-Zaldivar na hatiin na ang Schools Division Office sa kanilang lalawigan at ihiwalay ang north sa south.
Sa kanyang House Bill 10162, sinabi ng kongresista na mas maraming matutugunan na pangangailangan kung hahatiin na ang Schools Division Office.
“The proposed bill seeks to provide efficient and effective delivery of services, supervision and administration of the Department of Education Schools Division Office in Palawan into two separated Schools Division Offices to be known as the School Division Office of Palawan South and Schools Division Office of Palawan North,” pahayag ni Abueg-Zaldivar sa kanyang explanatory note.
Ipinaliwanag ng kongresista na sa kasalukuyan ay maraming nahihirapan sa pag-access sa divsion office dahil sa lokasyon nito.
Idinagdag ng mambabatas na mahirap din ang pagbibigay ng instructional at field supervision sa schools division na nakaapekto sa performance ng faculty at mga estudyante.
Katunayan, lumitaw sa report na mababa ang Division’s regional at national achievement tests performance.
Binigyang-diin pa ng kongresista na ang kabuuang numero ng mga estudyante kasama ang teaching at not-teaching personnel sa Division of Palawan ay katumbas ng bilang ng apat na division sa MIMAROPA Region 4B.