Nation

CHED PALYADO SA MANDATONG GAWING ABOT-KAYA ANG EDUKASYON — PARTYLIST GROUP

/ 30 August 2020

BIGO ang Commission on Higher Education sa pagtupad sa kanilang mandato na gawing abot-kaya ang edukasyon upang ang lahat ay magkaroon ng pantay na oportunidad.

Ito ang assessment ng Kabataan partylist group kaugnay sa ulat ng CHED sa House Committee on Higher and Technical Education hinggil sa kanilang mga paghahanda para sa bagong sistema ng pag-aaral.

Nababahala si Kabataan Partylist Rep. Sarah Jane Elago na sa gitna ng paghihirap ng mamamayan, pilit pang itinutulak ang kulang sa paghahandang full online, blended, o kaya nama’y limited face-to-face na moda ng pagpapatuloy ng edukasyon.

Sa kabila rin umano ito ng kawalang katiyakan sa kalusugan dulot ng kawalan ng mass testing at programang pangkalusugan sa mga paaralan at mga kawani.

Iginiit ni Elago na hindi kaya ng marami sa ngayon ang online learning dahil sa dagdag na gastusin sa pagbili ng mga gadget at pang-load para sa internet, bukod pa sa kawalan ng maayos na internet connection.

“Malinaw na hindi ginagampanan ng CHED ang mandato nito na gawing abot-kaya ang mas mataas na edukasyon, lalo na para sa mga mahihirap at masang anakpawis,” dagdag pa ng grupo.

“Patuloy na maninindigan ang Kabataan Partylist na ang edukasyon, anumang antas, ay karapatan ng mamamayan. Imbes na pahirapan ang mamamayan sa mga polisiyang pang-eduksyon na ipinatutupad na naglalagay sa panganib sa mga kabataan o kaya nama’y nagpipirmis na sila’y mapag-iwanan, ang representasyon ay nananawagan ng ligtas na balik-eskwela,” dagdag pa nito.