DESISYON SA ONLINE CLASSES SUSPENSION ‘PAG MAY BAGYO NASA KAMAY NG LGUs — DEPED
SINABI ni Department of Education Undersecretary Diosdado San Antonio na wala sa pagpapasiya ng kagawaran ang pagsuspinde ng klase kapag may bagyo.
“Local government officials ang nagde-declare ng class suspensions,” pahayag ni Usec. San Antonio sa isang text message sa The POST.
Bagaman naniniwala siyang ligtas ang distance learning sa panahon ng kalamidad, suportado, aniya, ng kagawaran ang desisyon na magsuspinde ng klase sa iba’t ibang lugar sa bansa na maaapektuhan ng bagyo.
“We know that distance learning is essentially home based, so children are safe even during calamities… At the height of typhoons, it is but fair to allow official suspensions of learning activities as electric power and even other safety measures need to be given top priority by the parents. So we will support LGUs declaring suspensions during typhoons,” dagdag pa niya.
Nauna na ring inirekomenda ng meteorologist na si Nathaniel ‘Mang Tani’ Cruz ang pagsuspinde sa mga klase kahit online lamang upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral, gayundin ng mga guro, at makapaghanda sa sakunang maaaring idulot ng bagyo.