Nation

TREE PLANTING SA GRADUATING SENIOR HIGH AT COLLEGE STUDENTS MAGIGING MANDATORY

/ 28 August 2020

INAPRUBAHAN na sa Kamara ang panukala na nag-oobliga sa lahat ng graduating senior high school at college students na magtanim ng puno bilang katungkulan sa pagbibigay proteksiyon sa kalikasan.

Sa botong 224 pabor sa panukala at walang tumutol o nag-abstain, lusot na sa 3rd and final reading ang House Bill 6931 o ang proposed Graduation Legacy Reforestration Act.

Alinsunod sa panukala, bilang public service, magiging bahagi ng requirements sa mga mag-sisipagtapos sa senior high school at kolehiyo ang pagtatanim ng tig-dalawang puno.

Batay sa panukala, ang Department of Environment and Natural Resources at mga lokal na pamahalaan ang tutukoy sa klase ng puno na itatanim at ang lokasyon ng pagtataniman sa tulong pa rin ng mga paaralan, kolehiyo at unibersidad.

“It is the declared policy of the State to protect and advance the right of the Filipipno people to a balanced and healthfull ecology in accord with the rhythm and harmony of nature,” nakasaad sa Section 2 ng panukalang batas.

Mandato naman ng DENR at ng lokal na pamahalaan na magkaroon ng seedling bank upang palagiang may nakahandang mga punla na itatanim ang mga estudyante.