TIKTOK IPINAGAMIT SA MGA ESTUDYANTE PARA MATUTO AT MAGING MALIKHAIN
GUMANA ang creativity o pagiging malikhain ng Teachers English Club ng Mapua Senior High School.
Sa anunsiyo sa kanilang official Facebook Page na Mapua SHS – English Club, inanyayahan nito ang mga mag-aaral na lumahok sa kanilang kompetisyon sa pagsulat ng kuwento gamit ang social media platform na Tiktok.
Layunin ng The English Club na matuto at umunlad ang pagiging malikhain ng mga mag-aaral na tiyak na masaya.
“Learning, creativity, fun” ang layunin ng TEC para hindi maging “monotonous” at nakaiinip ang online learning.
“Calling all MapĂșans who have a knack for tiktok! This is your time to combine fun and creativity into one,” bahagi ng anunsiyo ng The English Club.
Paliwanag pa ng TEC, sa pamamagitan ng pagsusulat ay mailalabas ng mga mag-aaral ang kanilang emosyon, gayundin ang pagkadiskubre sa acting.
Para maging maganda ang presentation, pinayuhan ang mga mag-aaral na magsumite ng POVs, skits o anumang uri ng video.