Nation

LIMITED F2F CLASSES SA MGA LUGAR NA WALANG KASO NG COVID19 MULING IPINANAWAGAN

/ 25 July 2021

MULING nanawagan si dating Senador at ngayo’y Sorsogon Gov. Francis ‘Chiz’ Escudero sa pamahalaan na pag-aralan ang pagsasagawa ng limited face-to-face classes sa mga lugar na wala nang kaso ng Covid19.

Sinabi ni Escudero na ang limitadong face-to-face classes ay may malaking tulong sa mga estudyante na labis na nahihirapan sa distance learning.

“Allowing limited face-to-face classes in places where there are no more cases of Covid19 will do good for the students who have been facing multiple challenges including internet connectivity and gadgets availability,” pahayag ni Escudero.

Umaasa si Escudero na ikokonsidera ng Inter-Agency Task Force at ng Malakanyang ang rekomendasyon ng Department of Education para sa limitadong face-to-face classes.

Muli ring binigyang-diin ng gobernador na dapat bigyan ng kapangyarihan ang mga lokal na pamahalan na magdesisyon kung maaari nang magpatupad ng pisikal na klase sa kanilang mga nasasakupan.

“I believe that the decision to allow or not to allow limited or pilot face-to-face classes should be delegated to governors and mayors from highly urbanized cities subject to certain restrictions and guidelines,” pagbibigay-diin ni Escudero.

Ipinaliwanag ng dating senador na ang mga local chief executive ang nakaaalam ng sitwasyon sa kani-kanilang lugar at mas makabubuting sila ang bigyan ng karapatang magdesisyon sa mga polisiyang ipatutupad.