Nation

2K DEPED EMPLOYEES SWAK SA COVID19 VAX PROGRAM NG PASIG

/ 1 July 2021

MAHIGIT sa 2,000 non-teaching employees ng Department of Education Central Office ang kasamang binabakunahan kontra COVID19 ng lokal na pamahalaan ng Pasig.

“Binabakunahan na rin natin ang mga personnel ng DepEd Central Office (kaninang umaga ‘yung schedule ng pangalawang batch nila sa Megaworld/Arcovia Vacc Site),” sabi ni Mayor Vico Sotto sa kanyang Facebook post.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang pamunuan ng Department of Education-National Employees’ Union sa lokal na pamahalaan sa pagsama sa kanila sa vaccination program ng lungsod.

“We appreciate the city government of Pasig in accommodating our DepEd personnel in its vaccination drive,” sabi ni Domingo Alidon, pangulo ng nasabing grupo.

“At least hindi mahihirapan mga tao natin kasi malapit lang sa central office,” dagdag pa ni Alidon.

Samantala, sinabi ni Sotto na karamihan sa mga guro sa kanilang lungsod ay nakapag-first dose na.

Aniya, 4,015 sa 4,273 teaching at non-teaching staff sa ilalim ng DepEd Pasig City Division ang nakatanggap na ng first dose ng COVID19 vaccine.