TERTIARY EDUCATION, PINASASAKLAW SA NATIONAL ACADEMY OF SPORTS
ISINUSULONG ni Bukidnon Rep. Manuel Antonio Zubiri ang panukala na mag-aamyenda sa batas kaugnay sa pagbuo ng National Academy of Sports (NAS) upang masaklaw din ang Tertiary Education.
Sa kanyang House Bill 9375, iginiit ni Zubiri ang pag-amyenda sa Republic Act 11470 upang mabuo ang NAS System.
Sinabi ni Zubiri na marami sa mga Filipino ay may potential sa sports at bahagi na rin ng kultura ng bansa ang palakasan.
“Our common goal is to enhance national pride that will come from intensive sports training and high-quality education including our indigenous sports and martial arts at the grassroots and elite levels,” pahayag ni Zubiri sa kanyang explanatory note.
Batay sa panukala bubuo ng NAS System para sa edukasyon at magkaroon ng training ground sa mga Filipino athletes.
Ito ay magiging attached agency ng Philippine Sports Commission na maghahanda ng programa para sa kabataan sa sports.
“The NAS System is hereby mandated to implement a quality and enhanced secondary and tertiary education program, integrated with special curriculum on sports,” pahayag pa sa panukala.
Pokus ng sistema ang agarang pagkiala at development sa mga highly talented at exceptionally gifted students at sa mga may potensyal sa field of sports.
Kabilang dito ang mga talented individuals na hindi nabigyan ng maagang oportunidad subalit exceptional din ang abilidad sa sports.
Sa ngayon ang Republic Act 11470 ay nakatutok sa special curriculum on sports sa secondary education progra.