Campus

MGA MAGULANG SA BAGUIO CITY TULONG-TULONG SA LCP DRY RUN

/ 2 August 2020

PINATUNAYAN ng mga magulang ng mag-aaral sa Guisad Valley National High School sa lungsod ng Baguio ang malaking papel na kanilang ginagampanan para sa edukasyon ng kanilang mga anak.

Kabalikat ng DepEd-Baguio City ang mga miyembro ng Parents-Teachers Association (PTA) sa paghahatid ng mga learning packets sa isinagawang learning continuity plan dry-run.

Ayon sa pamunuan ng DepEd-Baguio City, ang pakikiisa ng mga magulang ay patunay na ang edukasyon ay responsibilidad ng buong komunidad.

“This initiative and act of kindness simply show that every stakeholder owes for the education of the youth. Together, we can move forward and give our children no less than the best that they deserve,” pahayag ng DepEd-Baguio City.

Maliban sa mga magulang, pinasalamatan din ng DepEd-Baguio City ang mga opisyal ng barangay at iba pang volunteers sa kanilang kontribusyon sa bagong pamamaraan ng paghahatid ng edukasyon sa gitna ng pandemya.