LIBRENG GADGET, INTERNET SA 600 ISKOLAR NG TARLAC
HALOS 600 na mga iskolar ang nakatanggap ng libreng tablet, akses sa internet, at flashdrive mula sa pamahalaang lungsod ng Tarlac noong Agosto 20.
Ang mga estudyante ay bahagi ng Tarlac City Integrated Scholarship and Incentive Program na handog ng lungsod para sa mga ‘poor but deserving students’.
Ayon kay Mayor Cristina Angeles, naglalaan ng pondo ang lokal na pamahalaan para sa masaganang kinabukasan ng mga kabataan. Bagaman may pandemya, hindi, aniya, dapat nitong pigilan ang pagkakaroon ng bagong kaalaman.
Inaasahan ni Angeles na makatutulong ang gadget at akses sa internet ngayong ang modang pagkatuto ay online learning.
Ang mga iskolar ay nakatanggap din ng hygiene kits na naglalaman ng alcohol, face shield, at face masks.