TEACHERS, STUDENTS WALANG PASOK SA ARAW NG MAYNILA
KABILANG ang mga guro at estudyante sa Maynila na walang pasok sa Huwebes, Hunyo 24.
Kahapon ay inanunsiyo ng Malacanang na walang pasok ang mga trabahador at sarado ang mga tanggapan, maging ang mga paaralan upang bigyang-daan ang selebrasyon ng ika-460 Founding Anniversary ng Maynila.
Kasunod ito ng paglagda ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa Proclamation 1167 na nagdedeklarang Special Non-Working Day sa Maynila sa nasabing petsa.
Ang paglagda ay alinsunod sa awtoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Bagaman pinahintulutan ang selebrasyon ay pinayuhan ang mga residenteng lalahok na sumunod sa health protocols dahil may kuwarantina at panahon pa rin ng pandemya.
“Whereas, it is but fitting and proper that the people of the City of Manila be given full opportunity to celebrate and participate in the occasion with appropriate ceremonies, subject to community quarantine, social distancing and other public health measures,”. nakasaad sa proklamasyon na nilagdaan ni Medialdea.