Letters of Youth

BULAKLAK NI MAMA

/ 19 June 2021

Kilalang-kilala ng buong baryo si Mama dahil sa kaniyang trabaho. Trabaho na bumubuhay sa amin.

Hindi ko ikinakahiya kung ano pa man ang trabaho ni mama, basta ang alam ko lang natutustusan niya ang pangangailangan ng aming pamilya, at nagagampanan niya ang responsibilidad bilang isang ina.

Mahirap lang kami, kaya ganun na lamang patusin ni mama ang kahit na anong trabaho. Kahit ibenta niya ang kaniyang pinakaiingatan na bulaklak.

Marangal ang trabaho ni mama para sa akin, sapagkat kahit bagsak presyo ang bentahan ng rosas at sampaguita ay kumakayod pa rin siya.

“Hindi gaya ng iniisip niyo ang trabaho ng mama ko, may dangal siyang babae.”