Nation

MGA SEKYU PASOK SA ‘STUDY NOW, PAY LATER’ PROGRAM

ITINUTULAK sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala para sa implementasyon ng 'study now, pay later’ program sa mga special course para sa security guards.

/ 21 August 2020

ITINUTULAK sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala para sa implementasyon ng ‘study now, pay later’ program sa mga special course para sa security guards.

Inihain nina TINGOG Partylist Rep. Yedda Marie Romualdez at asawang si House Majority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez ang House Bill 7037 o ang proposed Private Security Industry Act.

Sa ilalim ng Section 14 ng panukala, inaatasan ang Technical Education and Skills Development Authori-ty at ang Philippine National Police na bumalangkas ng ‘study now, pay later’ program sa anumang pri-vate security training institution o public institution para sa edukasyon at training ng mga security guard, watchman, o private detective.

“TESDA and PNP will coordinate to ensure that beneficiaries of ‘study now, pay later’ scheme will un-dergo and finish additional training programs, courses, or training requirements,” nakasaad sa panu-kala.

Ang panukala ay bilang pagkilala sa mahalagang kontribusyon ng mga security guard sa pagpapanatili ng peace and order.

Nakasaad naman sa Section 13 ng panukala ang pagbalangkas ng Ladderized Training and Education Subsidy para sa mga security guard.

“Private security institutions, which offer such ladderized schedules or programs on training, courses, and programs to private security personnel, shall receive reasonable subsidy from the State through TESDA to ensure professionalism among the private security personnel,” nakasaad pa sa panukalang batas.

“A lack of a baccalaureate degree shall not impede the career advancements of private security per-sonnel,” pagbibigay diin ng dalawang kongresista.