Nation

TELEVISION ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM ISINUSULONG

/ 10 June 2021

SA GITNA ng napipintong pagpapatuloy ng modular/distance learning sa pagpasok ng School Year 2021-2022, isinusulong ni Paranaque City Rep. Joy Myra Tambunting ang panukala para sa pagbalangkas ng Television Broadcasting Education Program bilang Alternative Learning System sa basic education.

Sa kanyang House Bill 9502 o ang proposed Television Alternative Learning System Act, sinabi ni Tambunting na bagama’t ang online classes ang ideal alternative sa paraan ng pag-aaral sa mga krisis tulad ng Covid19 pandemic, maraming paaralan, mga guro at mga estudyante ang hindi makaagapay dito.

“The need to continuously deliver quality education to our students even in times of crisis, isolation, unrest or pandemic demands a creative approach through alternative learning systems,” pahayag ni Tambunting sa kanyang explanatory note.

Batay sa panukala, ang free TV broadcast education program ay ieere kasabay ng dapat na oras ng klase sa regular classroom type sa ilalim ng curriculum ng Department of Education upang matiyak ang dekalidad na edukasyon.

Saklaw nito ang lahat ng public schools para sa elementary, junior at high school education at magiging epektibo tuwing panahon ng krisis tulad ng insurgencies, unrests, pandemics at iba pang natural o man-mande calamities.

Alinsunod pa sa panukala, mandato ng DepEd na makipag-partner sa mga TV network, national o regional, para sa programa.

Mandato naman ng National Telecommunication Commission na tumulong sa mga requirement tulad ng frequencies o channels.