CONVERSION NG REGULAR HS SA CAMARINES SUR SA NATIONAL HS ISINUSULONG
UPANG matiyak ang mas malaking pondo, nais ni Camarines Sur 4th District Rep. Arnulf Bryan Fuentebella na i-convert bilang national high school ang dalawang regular high school sa kanilang lalawigan.
Sa House Bills 6483 at 6484, isinusulong ni Fuentebella ang pag-convert sa Denrica High School sa munisipalidad ng Garchitorena at sa Pinaglabanan High School sa munisipalidad ng Goa bilang national high school.
Ipinaalala ni Fuentebella na layunin ng edukasyon na magbigay ng sapat na kaalaman, kakayahan at maayos na pag-uugali sa bawat indibidwal sa bansa.
“Education is so important that it now has been enshrined in the Constitution mandating the state not only to make education accessible to all but to promote the right of all citizens to quality education,” pahayag ni Fuentebella sa kanyang explanatory note.
Ipinaliwanag pa ng kongresista na walang sapat na pondo ang dalawang munisipalidad para suportahan ang mga kinakailangang pasilidad ng paaralan upang matiyak ang dekalidad na edukasyon sa kanilang mga estudyante.
“Due to this situation, the school and its students are currently suffering from lack of facilities, materials and qualified faculty,” diin pa ng mambabatas.
Sinabi ni Fuentebella na sa pamamagitan ng conversion bilang national high school, mas malaki ang magiging pondo ng mga paaralan mula sa national government.