Nation

STUDENT LOAN PROGRAM INIHIRIT

/ 17 May 2021

ISINUSULONG ni Pasig City Rep. Roman Romulo ang panukala para sa pagbalangkas ng student assistance program ng mga bangko at government financial institutions.

Sa House Bill 6687 o ang proposed Student Loan Program during Times of Emergency Act, iginiit ni Romulo na mandato ng estado na tulungan ang mga eligible student sa kanilang pag-aaral.

“In light of the economic instability brought about by the Covid19 situation, we find the parents of learners in both private and public educational institutions, uncertain of the futures of their children,” pahayag ni Romulo sa kanyang explanatory note.

Sa panukala, sinabi ni Romulo na dapat i-accommodate ang mga parent-borrowers upang matulungan ang kanilang mga anak sa pag-eenrol sa basic education at higher educational institutions.

Batay sa panukala, ang mga bangko at government financial institutions ay may mandatong makiisa sa student loan program at maglaan ng dalawang porsiyento ng kanilang loanable funds para sa pautang sa mga eligible student.

Irerehistro ng mga bangko at governmennt financial institutions sa Bangko Sentral ng Pilipinas ang kanilang loan program upang makakuha ng incentives.

Saklaw ng loan program ang higher educational institutions, technical vocational institutes, at accredited private elementary o secondary schools.

Sa sandaling maaprubahan ang loan, ibibigay ito bawat semestre o depende sa academic calendar.