Nation

SK CENTERS PARA SA TRAINING SA KABATAAN ISINUSULONG

/ 12 May 2021

IPINANUKALA ni Ang Probinsyano Partylist Rep. Alfred Delos Santos ang pagtatayo ng Sangguniang Kabataan center sa bawat barangay at ang pagsasagawa ng capacity-training sa mga kabataan, lalo na sa SK Officials.

Sa kanyang House Bill 7327 o ang proposed SK Centers and Trainings Act, sinabi ni Delos Santos na dahil sa epekto ng Covid19, kailangan ng mga pasilidad at mga pagsasanay para sa kabataan, partikular sa SK officials upang makatuwang sa pagbibigay solusyon sa mga problema ng bansa.

Partikular sa dapat asikasuhin ang mga problema sa accessible education at market-responsive skills training para sa new normal.

“The Filipino youth are facing great, potentially crippling issues, such as interruptions in education and schools struggling to migrate to online learning and the possibility of job prospects decreasing all the way down to a global recession,” pahayag ng mambabatas sa kanyang explanatory note.

Naniniwala ang kongresista na sa pamamagitan ng panukala ay mas magiging epektibo ang SK leaders sa ilalim ng new normal para sa training sa Filipino youth upang maging produktibong miyembro ng post-Covid19 society.

Alinsunod sa panukala, bawat barangay ay magkakaroon ng SK center para maging worksite at venue para sa capacity-buiding trainings ng kabataan.

Ang center ay dapat na accessible sa mamamayan; may internet connectivity; matatag laban sa kalamidad at may kumpletong hygiene/sanitation standards.

Lahat din ng SK officials ay sasalang sa mandatory, regular capacity-building trainings na nakatutok sa paghasa sa pagtupad nila sa responsibilidad.

Mandato ng Department of the Interior and Local Government, katuwang ang Commission on Higher Education, Department of Education, local government leagues at iba pang youth organizations ang pagbuo ng training curriculum.