YOUTH VOTE, SHITSTORMING, FAKE NEWS TATALAKAYIN SA ‘PUWEDENG MAGING CHOOSY’
‘Puwedeng Maging Choosy’ ang una sa tatlong episodes ng #KabataanSaHalalan voter education campaign ng The POST na magsisimula sa Abril 24, 1:30 n.h., via Facebook Live, kasama sina Commission on Election (COMELEC) Spox. James Jimenez, De La Salle University Prof. Xiao Chua, Boto ng Kabataan National Movement, Vote Pilipinas, Young Filipino Advocates of Critical Thinking (yFACTph), National Teachers College, Lions Club, Rotaract, at mga student organizations mula sa University of the Philippines, Far Eastern University, San Beda University, Cavite State University, Mindanao State University, University of the East, Polytechnic University of the Philippines, Davao Oriental State College of Science and Technology, STI College Malolos, Mapúa University, Laguna State Polytechnic University, Bohol Island State University, National Teachers College at Barotac Viejo National High School.
ILULUNSAD na ng The Philippine Online Student Tambayan, kasama ng Pinas Forward PH, ang ‘Puwedeng Maging Choosy’, ang unang episode ng #KabataanSaHalalan year-long voter education campaign sa Abril 24, 2021, 1:30 n.h., via Facebook Live.
Hihimayin sa serye ang kapangyarihan ng ‘youth vote’, pagpili ng huwarang kandidato, pagtuligsa sa fake news at shitstorming, pag-oorganisa, at iba pang huhubog sa kritikal na pag-iisip ng mga mamamayang Filipino.
Makakatalakayan ng The POST at Pinas Forward PH sina Commission on Elections Spokesperson Dir. James Jimenez, propesor at kilalang public historian na si Prof. Charleston ‘Xiao’ Chua, University of the East Professor Lyndon Dale Chang, Vote Pilipinas Project Head Ces Rondario, Young Filipino Advocates of Critical Thinking Secretary-General Danica Bergamo, at mga student-volunteer na sina Kyle Sordevilla at Mardilyn Garcia.
Ilang mga isyung haharapin ng mga bisita ang kahandaan ng Comelec sa darating na halalan, partisipasyon ng mga kabataan sa halalan, politikal na kasaysayan ng Filipinas, misinformation, disinformation, responsible social media usage, mobilisasyon at organisasyon ng mga kabataan sa komunidad, at ang mga dahilan kung bakit puwede at dapat na maging choosy.
Asahan ding sasagutin ang maiinit na tanong ng daan-daang mga mag-aaral mula Luzon, Visayas, at Mindanao na aktibong sumusuri sa kasalukuyang kalagayan ng Filipinas sa gitna ng pandemya.
Libre at bukás para sa lahat ang online event na ito at maaaring mapanood sa Facebook page ng The Philippine Online Student Tambayan at Pinas Forward PH. Pangangasiwaan ito nina University of the Philippines Los Baños Instructor at The POST Correspondent John Carlo Santos at ni Cheska Mempin-Pangan ng Pinas Forward PH.
Ang ‘Puwedeng Maging Choosy’ ay suportado ng Boto ng Kabataan National Movement, Vote Pilipinas at Young Filipino Advocates of Critical Thinking (yFACTph).
Kaisa sa gawain ang National Teachers College, Ako Bakwit, Inc., University of the Philippines – Diliman MaroonFM, Gabay Isko, HallyUP, University of the Philippines Los Baños Graphic Literature Guild, UPLB Perspective, University of the East Dawn, Far Eastern University Young Women’s Christian Association, Far Eastern University Central Student Organization, Far Eastern University Institute of Accounts, Business, and Finance (Tambiz Project), Far Eastern University Enterprise Management Society, Far Eastern University Junior Marketing Association, San Beda University’s College of Arts and Sciences Student Council, San Beda Debate Society (SBDS), San Beda Junior Marketing Association (SBJMA), The Repvblic – Political Science Department of San Beda, In Solus Christi Youth Chorale, The Handom Initiative, Young Blood, UTOPIA Cavite State University, Project Namnama, Mindanao State University – Buug Campus Student Supreme Council, Barotac Viejo National High School, YOUActive Barotac Viejo, Davao Oriental State College of Science and Technology Supreme Student Government, Laguna State Polytechnic University College of Business Management and Accountancy Organization – SCC, Polytechnic University of the Philippines College of Social Sciences and Development Student Council, Philippine Institute of Civil Engineers – Mapúa University Student Chapter (PICE-MUSC) AY2021, National Teachers College Student Government, STI College Malolos Central Student Government, at The Senior Craftsmen’s Voice.
Maging ang civic organizations na Lions Club Marikina at Rotaract Tumana Youth Sector ay kaisa rin sa gawaing ito.
The Philippine Online Student Tambayan ang nag-iisa at ang nangungunang news portal sa buong bansa na nakatutok sa sektor ng mga mag-aaral. Arawan itong naglilimbag ng mga napapanahong balita, artikulo, at opinyon sa www.thepost.net.ph.