Nation

STATE COLLEGE SA NORTHERN NEGROS NAIS GAWING STATE UNIVERSITY

/ 4 April 2021

ISINUSULONG ni Negros Occidental Rep. Leo Rafael Cueva ang panukala para i-convert ang Northern Negros State College of Science and Technology bilang state university.

Sa House Bill 8616, nais ni Cueva na gawing State University of Northern Negros ang state college na matatagpuan sa Sagay City.

Sa datos, itinayo ang state college nooong 1998 alinsunod sa Republic Act 8448 kung saan nagsimula ito bilang Barangay High School noong 1970.

Sinabi ni Cueva na layon ng NoNeSCoST na maging leading institution sa Northern Negros kaya lahat ng programa ay nakatutok sa quality at excellence.

“The College also aims to produce graduates with 21st century competencies who are able to live and work in a diverse cultural setting and foster closer cooperation and understanding between NoNeSCoST and other universities and higher educational institution in the world,” pahayag ni Cueva sa kanyang explanatory note.

Naniniwala ang kongresista na sa pamamagitan ng pagiging state university, mas maraming kapus-palad na estudyante ang matutulungan at mabibigyan ng dekalidad na edukasyon.

Batay sa panukala, ang unibersidad ay magkakaroon ng programa para sa undergraduate, graduate at short term programs sa agriculture, arts, biology, business, criminology, education, engineering, fishery, food technology, healthcare, industrial technology, information technology, management and marine sciences at iba pang kurso.